Talipan National High School Then and Now
Isang papaunlad1 na barangay ang Talipan na matatagpuan sa pagitan ng bayan ng Pagbilao at lungsod ng Lucena. Higit na kilala ang barangay na ito na matatagpuan sa dakong kanluran ng bayan, sa maunlad na pag-aani ng palay at niyog na sa tagal ng panahon ay pangunahing pingkukunan ng hanapbuhay ng mga tao rito. Mayroon ditong pampublikong paaralan sa elementarya na naglilingkod at kumakanlong sa mga sa mga bata. Dahil sa patuloy na paglaki ng populasyon at sa hinihingi ng pagkakataon, naramdaman ng mga tagarito ang pangangailangan ng pagkakaroon ng barangay hayskul kung saan papasok ang mga mag-aaral na magsisipagtapos sa elementarya. At kaya, sa pagpupursige ng noon ay Kapitan na Barangay na si Rafael P. Glorioso, nagpasa ng petisyon ang mga tagarito na nilagdaan ng limampung (50) magsisimulang mag-aaral sa unang taon, kasama ang kanilang magulang at punong tagapagtatag ng Kagawaran ng Pampublikong Paaralan, Dibisyong Pansekundarya para sa kauna-unahang barangay hayskul sa bayan ng Pagbilao.
Noong 1973, pagkaraan ng walong(8) buwan pagkatapos ideklara ang batas militar, sa pamamagitan ng Republic Act 6054 na nakilala bilang Barangay High School Charter, naitayo ang Talipan Barangay High School. Sa bisa ng batas na ito, ang noo’y punongguro ng Paaralang Elementarya ng Talipan na si G. Reynaldo Ladlad, ang nagsilbing tagapamahala ng unang animnapung (60) magaaral sa unang taon. Si G. Tolentino ang unang nagging guro sa naturang mga magaaral. Hindi nagtagal, pinalitan siya ng permanenteng guro na si G. Rodrigo G. Porta na nagkataong isa sa mga nagpetisyon ng pagkakaroon ng Mataas na Paaralan sa Barangay Talipan. Totoong isang napakalaking sakripisyo kay G. Porta ang magturo nang lahat halos ng mga asignatura para sa unang taon. Kaya, mula sa Mababang Paaralan, dalawang guro ula rito na kapwa nagtapos ng BSE, na sina G. Carlito L. Obien at Gng. Carmelita A. Mangubat, ang nagsilbing unang mga panandaliang guro na humwak ng araling Practical Arts and Home Economics. Nang sumunod na taon, may dalawa pang taon ang napadagdag sa unang taon. Sina G. Felizardo P. Italia at Gng. Bibiana G. Roperez ay nagging mga dagdag pang guro sa lalong dumaraming bilang ng mga mag-aaral sa paaralan. Naganap ang unang taon ng pagtatapos noong Marso 1976. Ngunit, nang sumunod na taon pa nakapagtapos ang mga “pioneer” na mag-aaral ng paaralan. At mula nga noon, patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga pumapasok na mag-aaral at bilang ng mga permanenteng guro na nagtuturo sa paaralan.
Sa pagpapatupad ng RA 6655, ang aytem ng mga guro ng Talipan Barangay Hyskul ay nagging pambansa o nationalized. Kaalinsabay nito ang pagtaas nang kanilang mga sweldo, sa higit na makataong antas, salamat sa administrasyon ng Pangulo noon na si Gng Corazon C. Aquino.
Patuloy ang pag-usad ng buhay sa paglipas ng mga taon sa Talipan Barangay Hayskul kung saan iba’t ibang emosyon ang nangingibabaw. Sa tuwing may nagwawaging mag-aral na lumalaban sa akademiko at mga palaro sa loob at labas ng paaralan, labis ang kaligayahan at karangalan ang ibinibigay nila sa
paaralan. Ngunit, kalungkutan naman sa tuwing magkaklase ang mga mag-aaral sa labas sanhi ng kakapusan sa silid-aralan kaya minsang nabansagang “iskwater” ang paaralan.
Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral dito, napilitang bakantihin ni G. Reynaldo Ladlad ang posisyon bilang Punungguro ng paaralan. Kaya, itinalagang OIC si G. Herminio P. Villa na kaagad naming hinalinhan ni Gng. Liberacion G. Alabastro, na noo’y siya ring punungguro ng Mababang Paaralan ng Pagbilao Central. Hanggang noong Oktubre 10, 1991, hinirang si Gng. Virginia M. Magbuhos, ng Tagapamanihala ng mga Paaralan sa Dibisyon ng Quezon bilang TIC ng Paaralan, na maklipas ang isang taon ay itinalagang opisyal ng Punungguro nito.
Ang paaralan ay tumanggap ng mga gusaling pinondohan ng mga banyagang smahan tulad ng ESF at JICA. Ang dating Talipan Barangay Hayskul na ngayon ay Pambnsang Mataas ng Paaralan ng Talipan ay nakatayo sa 0.6 na ektaryang lupain na ipinagkaloob ng Pamahalaang Probinsyal ng Lalawigan ng
Quezon. Makalipas ang ilang taon, marami pang gusali ang napadagdag sa paaralan tulad ng Angara, NAPOCOR, Quality Education, DepEd at Nantes Building. Mga gusaling tumupad sa pangarap ng paaralan na siyang magkakanlog sa mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Nagkaloob din ang dating Ama ng Lalawigan na si G. Raffy P. Nantes nang hindi bababa sa dalawampung computer units sa paaralan at ng covered court na pinagdarausan ng iba’t ibang importanteng okasyon ng paaralan.
Taong 2011 ng maitalaga ang punungguro na si Gng. Carolina T. Zaracena. At sa kanyang paggabay, ang paaralan ay pinagkalooban ng Ama ng Lalawigan na si Kgg. Jay-Jay Suarez ng isang gusali na nagsilbing computer laboratory na siyang tutugon sa pangangailangan ng paaralan sa Information and Communication Technology (ICT).
Nagpatuloy ang pag-usad ng paaralan na naging kilala sa mga palaro at pang-akademikong paligsahan. Samantala, taong 2014 sa pamamahala ni G. Gregorio I. Racelis bilang punongguro ay hinirang ang paaralan bilang Brigada Eskwela Hall of Famer 2017 at Gawad Kalasag 2016. Nagsilbi rin bilang chant ng paaralan ang mga katagang “TNHS: Talaga Namang Husay Sumasabay”.
Taong 2017 ay nagsimula naman ang pamamahala ni Dr. Caridad C. Grimaldo kung saan kinilala at binigyang parangal ang paaralan bilang Best Managed School at sa kanyang pamamahala rin napagawan ng titulo ang paaralan. Hinalinhan bilang Punungguro III ni Dr. Luningning R. Mendoza, si Dr. Grimaldo
taong 2019. Sa ilalim ng kanyang pamamahala sa paaralan naipaayos ang sistemang patubig kung saan nagkaroon ng regular na suplay ng tubig ang buong paaralan hanggang sa ngayon. Sa panahon ding naging ganap na Punungguro IV ang pinuno ng paaralan.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsulong ng paaralan kaakibat ang pagtatamo ng mas marami pang parangal at papuri sa iba’t ibang larangan sa ilalim ng pamamahala ng kasalukuyan nitong Punungguro na si G. Marina R. Abueva, Punongguro IV.